Pages

Tuesday, September 13, 2011

Gambala

I
Nag iisa, minamasdan ang mga bituin
Iniisip kung ako'y iyo pa bang mamahalin
Nangangambang baka ako'y di na harapin
Awiting nitong buhay ko'y, hiling na tanggapin!

II
Nais kong madama ang ulan kasama mo
At maranasan ang buong buhay ko sa piling mo
Di ko man mawari kung ika'y ganoon din
Di ko na iisipin kung ika'y di laan sa akin

III
Kahit di mo man ako mahalin
Kahit di mo man ako dalhin
Kahit na hindi kita makamit
Kahit papaano naman, ako sa iyo'y napalapit!