Alam mo bang ika'y hinihintay
Tuwing uwian, nais kang kasabay
Kunwari'y walang pakialam
Sa tuwina ika'y inaasam
Sa upuan nais kang katabi
Magkwentuhan kahit hanggang gabi
At sa oras na kailangang umuwi
Iyong sabihin ika'y ihahatid
Alam mo bang ikaw lamang nasa isip at puso kong ito
Na sana'y tayo na at di na magkawalay pa
Iyong isipin, laging iisipin na ginagawa ko ang lahat
Upang mapasaya ka
Nahahalata mo na ba ang pag tingin ko sa yo?
Huwag ka sanang mangamba pagkat ito ay totoo
Mapagbibigyan mo ba ang tangi kong hiling
Na ika'y mahalin at mahalin mo rin ako...
Iniisip kung ika'y ganon din ba
Ang damdamin pag ako'y kasama
Hinihiling huwag nang magbago pa
Ang damdamin kung tayo'y iisa
Nung minsan hindi ka nasilayan
Hinahanap ng aking mga mata
Nasilayan kita sa aking puso
Kung saan palaging ikaw lang at ako
Alam mo bang ikaw lamang nasa isip at puso kong ito
Na sana'y tayo na at di na magkawalay pa
Iyong isipin, laging iisipin na ginagawa ko ang lahat
Upang mapasaya ka
Nahahalata mo na ba ang pag tingin ko sa yo?
Huwag ka sanang mangamba pagkat ito ay totoo
Mapagbibigyan mo ba ang tangi kong hiling
Na ika'y mahalin at mahalin mo rin ako...
Story:
I composed this song when I was planning to court her...
Chords:
Stanza: E, A/F#, A9
Refrain: ( F#m, G#m ) 2x, A, B
Chorus: E-F#m-A9
(* means passer chords)
Play:
No comments:
Post a Comment